March 25, 2025

KARAPATAN KO ANG MABUHAY NANG MALUSOG AT LIGTAS: GABAY PARA SA POSITIBONG UGNAYAN

Written by: Jenelyn Oliveros

photo_6273707662285849639_w

 "Ang magulang ang unang mga guro sa tahanan, at ang pamilya at tahanan ang itinuturing na unang paaralan." Hindi malilito ang mga magulang sa mga pahayag na ito, dahil sa bawat hakbang na ginagawa ng isang bata, nakasalalay ang responsibilidad ng magulang na magbigay ng tamang paggabay at pagpapalaki. Ang pagpapalaki at pag-aaruga ng isang bata ay isang seryosong tungkulin na puno ng pagsubok ngunit nagdudulot ng kasiyahan, lalo na kapag nakikita nilang malusog, masaya, at matagumpay ang kanilang mga anak.

Ang Mahahalagang Karapatan ng mga Bata

Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC), mayroong apat na pangunahing karapatan ang bawat bata:

  1. Karapatang Mabuhay – Ang kalayaang mabuhay nang ligtas, maayos, at masaya mula pagkabata hanggang pagtanda.
  2. Karapatang Mapaunlad – Ang pagpapatuloy na mapaunlad at mapabuti ang sarili upang maging marangal at responsableng mamamayan.
  3. Karapatang Maproteksyunan – Proteksyon laban sa anumang uri ng karahasan at hindi kanais-nais na pangyayari.
  4. Karapatang Makilahok – Ang pagkakaroon ng mga interes at kasali sa mga gawain na may kinalaman sa kanilang buhay bilang mga bata.

Mahalaga na malaman ng mga magulang ang mga karapatang ito upang magabayan nila nang maayos ang kanilang mga anak at matutunan ang tamang paraan ng pagdidisiplina at pagpapalaki.

Mga Isyung Kinahaharap ng mga Bata at Parenting Styles

Sa kasalukuyan, may dalawang malawak na istilo ng pagpapalaki ang madalas ikumpara: ang Tradisyunal na Parenting at ang Modernong Parenting na tinatawag ding “Gentle Parenting.”

photo_6275959462099535077_w

Tradisyunal na Parenting
Sa istilong ito, ang magulang ay madalas gumagamit ng pisikal na parusa tulad ng pagpapalo bilang paraan ng pagpapakita ng disiplina. Karaniwan ding mahigpit ang mga patakaran, at ang mga magulang ay nagtatakda ng mga rules na hindi maaaring pagtalunan. Bagamat may malinaw na disiplina, may mga pagkakataong ang mga bata ay nakakaranas ng takot at pagbaba ng self-esteem.

Modernong Parenting/Gentle Parenting
Ang Gentle Parenting ay mas nakatuon sa positibong disiplina, kung saan binibigyan ng halaga ang pakiramdam ng bata. Dito, binibigyang halaga ang bukas na komunikasyon at ang pagtutok sa emosyon ng bata. Ngunit, may mga pagkakataong nasosobrahan sa pagbibigay ng kalayaan, na nagiging sanhi ng kakulangan sa malinaw na limitasyon. Gayunpaman, ang layunin nito ay hindi magdulot ng takot, kundi magturo ng responsibilidad at pagmamahal.

Ayon kay Baumrind (1966), mayroong apat na pangunahing estilo ng pagpapalaki o parenting styles. Ang mga ito ay:

1. Authoritarian Parenting (Tradisyunal)

Mahigpit na kontrol at disiplina.
Mataas na mga pamantayan at malupit na parusa kapag hindi nasusunod ang mga alituntunin.
Halimbawa: Tiger Parenting at Helicopter Parenting.

2. Authoritative Parenting (Modernong Estilo)

Pinagsasama ang pagdidisiplina at pagmamahal.
Nagbibigay ng mga malinaw na alituntunin, ngunit binibigyan ng kalayaan ang bata sa paggawa ng mga desisyon.
Halimbawa: Gentle Parenting.

3. Permissive Parenting (Modernong Estilo)

Maluwag at may mataas na pagmamahal, ngunit walang mahigpit na mga patakaran.
Madalas ay may kahinaan sa disiplina.

4. Uninvolved Parenting (Neglectful)

Hindi aktibo sa pangangalaga at pagdidisiplina.
Madalas ay wala ng partikular na mga alituntunin at patakaran.

Ayon sa National Institutes of Health (2020), ang bawat pamilya ay mayroong sarili nitong estilo ng pagpapalaki ng anak na naaayon sa kanilang kultura, karanasan, at mga personal na pananaw. Ang pagpapakita ng iba't ibang mga istilo ng pagpapalaki ay makakatulong sa mga magulang na mas maging aware at reflective tungkol sa kanilang approach at kung paano ito nakakaapekto sa mga anak nila.

Mga Pagsusuri at Kwento mula sa mga Magulang

photo_6273707662285849431_y

Ayon sa podcast ni Joyce Pring sa kanyang seryeng "Common Ground" (2023), ipinakita ng mga magulang na sina Dyan Gayas at Saab Magalona-Bacarro ang kanilang pananaw tungkol sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

photo_6273707662285849432_y

“If kids did something, you (we) have to punish them that it’s wrong as early as young, that’s the time they know that those things are wrong.” (Dyan, 2023)

Sa Filipino: “Kung may ginawa ang mga bata (na hindi kaaya-aya), kailangan silang parusahan (para malaman nila) na mali ito habang sila ay bata pa lamang, para malaman nila na mali ang mga bagay na iyon.”

Si Dyan ay gumagamit ng tradisyunal na paraan kung saan ang pagpaparusa ay mahalaga para sa kanya upang magtamo ng disiplina ang bata, ngunit iniiwasan niya ang pagpapalo.

photo_6273707662285849433_y

“I never want them to feel like their feeling is wrong, kasi (I) feel like that would send the wrong message to them especially once they grow up, speaking of my experience.” (Saab, 2023)

Sa Filipino: “Hindi ko gusto na maramdaman nila na mali ang kanilang (mga) nararamdaman, dahil sa pakiramdam ko ay magbibigay ito ng maling (pananaw) sa kanilang (isipan), lalo na kapag lumaki sila, batay sa aking karanasan.”

Samantalang si Saab ay naniniwala sa gentle parenting, kung saan ang emosyon ng bata ay binibigyan ng halaga at ang pagpapaliwanag sa mga aksyon at desisyon ay nakatutok sa pag-unawa at hindi sa pagpaparusa.

photo_6273707662285849434_y

Ayon naman kay Joyce Pring, "It really depends on the parenting that works for you."

Sa Filipino: “Nakadepende talaga ito sa kung anong paraan ng pagpapalaki ang gumagana para sa iyo.”

Dagdag pa nila, "Please don't forget to tell your children that you love them, every night, and every moment that you can."

Sa Filipino: “Huwag ninyong kalimutan na sabihan palagi ang inyong mga anak na mahal ninyo sila, tuwing gabi, at sa bawat pagkakataon na kaya ninyo.”

Ang bawat bata at magulang ay may kanya-kanyang estilo na kailangan ng respeto at malasakit upang magtagumpay.

Bagamat may magkaibang istilo ng pagpapalaki, mahalaga na matutunan ng mga magulang kung ano ang pinakamainam para sa kanilang anak. Ang Positive Discipline ay isang epektibong solusyon na hindi gumagamit ng pananakit at nakatutok sa pagtuturo ng mga kasanayan sa bata upang maging responsable at mapagkalinga. Ang mga magulang ay hinihikayat na magbigay ng respeto, pagmamahal, at proteksyon sa kanilang mga anak upang magtagumpay sa buhay (Save the Children, n.d).

Ano ang tamang Aksyon?

photo_6273707662285849435_y

Courtesy: Annatodica from Getty Images Signature

Ang tamang pagpapalaki ng anak ay isang patuloy na proseso ng pagkatuto. Hinihikayat ang mga magulang na gamitin ang mga paraan ng Positive Discipline upang magtulungan silang magtagumpay at makamit ang kanilang karapatang mabuhay ng ligtas, masaya, at responsableng mga tao.

Para sa karagdagang suporta at gabay sa pagpapalaki ng isang bata sa loob ng isang tahanan, narito ang mga ilang libreng organisasyon sa Pilipinas na maaaring makatulong:

Philippine Children's Medical Center (PCMC): Nagbibigay ng mga libreng serbisyo medikal at pagpapayo para sa mga bata.
https://www.pcmc.gov.ph/

Child Protection Network (CPN): Nag-aalok ng mga libreng programa para proteksyon laban sa pang-aabuso.
https://childprotectionnetwork.org/

Tahanan ng Pagmamahal (Home for Children): Nagbibigay ng shelter at pangangalaga sa mga batang nangangailangan.
https://www.tahanan.org/

Department of Social Welfare and Development (DSWD): Nag-aalok ng mga serbisyo at programa para sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong.
https://www.dswd.gov.ph/

Save the Children Philippines: Nagtatrabaho upang mapabuti ang kalagayan ng mga bata sa Pilipinas.
https://www.savethechildren.org.ph/

UNICEF Philippines: Tumutulong sa mga bata sa pamamagitan ng mga programa para sa edukasyon at proteksyon.
https://www.unicef.org/philippines/

References:

Baumrind, D. (1991). The influence of parenting style on adolescent competence and substance use. The Journal of Early Adolescence, 11(1), 56–95. https://doi.org/10.1177/0272431691111004

Steinberg, L. (2001). We know some things: Parent-adolescent relationships in retrospect and prospect. Journal of Research on Adolescence, 11(1), 1-19. https://doi.org/10.1111/1532-7795.00001

Pring, J. (2023, March 17). Traditional vs. gentle parenting. Joyce Pring. Retrieved from https://www.joycepring.com/journal/2023/traditional-vs-gentle-parenting

Consuelo Foundation. (2023). Parent mentoring session guides. Retrieved from https://consuelo.org/resources/wp-content/uploads/sites/2/2023/04/

Parent-Mentoring-Session-Guides.pdf
National Center for Biotechnology Information (NCBI). (2020). Types of parenting styles. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK568743/

Good Housekeeping. (2019). The 4 types of parenting styles — and how they affect your child. Retrieved from https://www.goodhousekeeping.com/life/parenting/a26987389/types-of-parenting-styles/

Pring, J. (Host). (2023, March 17). Traditional vs. gentle parenting [Audio podcast episode]. In Common Ground podcast. https://open.spotify.com/episode/4cbac1f64B4QfqxNbYG9Zt?go=1&sp_cid=6699b51286f2e5c6539194ead45dd6dc&t=3000&utm_source=embed_player_v&utm_medium=desktop

Save the Children Philippines. (n.d.). FAQs on Positive Parenting. Retrieved from https://www.savethechildren.org.ph/__resources/userfiles/image/positiveparenting/FAQs-Positive-Parenting.pdf

United Nations Children's Fund (UNICEF). (n.d.). The rights of the child. Retrieved from https://www.unicef.org/documents/care-child-development

Philippine Children's Medical Center. (n.d.). PCMC services. Retrieved from https://www.pcmc.gov.ph/

Child Protection Network. (n.d.). About us. Retrieved from https://childprotectionnetwork.org/

Tahanan ng Pagmamahal. (n.d.). Home for children. Retrieved from https://www.tahanan.org/

Department of Social Welfare and Development (DSWD). (n.d.). DSWD services and programs. Retrieved from https://www.dswd.gov.ph/

UNICEF Philippines. (n.d.). Our work in the Philippines. Retrieved from https://www.unicef.org/philippines/