April 8, 2025

Kaliwanagan Tungo sa Mental at Emosyonal na Pangangailangan ng Kabataan: Gawa-gawa ng Imahinasyon o Tunay na Kalagayan sa Ngayon?

Written by: Edlyn Icao

1ab33227-06b8-4772-ad75-24a3849dbad6

Higit sa pisikal na kalagayan ng isang tao, lalo ng isang bata, masasabing ang kanilang emosyonal at mental na kalagayan ang isa sa dapat pinakatinututukan. Madalas sa kanila ay hindi nagsasabi sa kanilang mga magulang na nagdudulot ng kalituhan o kaguluhan na lubos na nakakaapekto sa kanilang buhay, dito mahihinuha na ang isang bata ay tunay na nangangailangan ng gabay ng isang magulangโ€”na siyang katuwang nila sa paglutas ng mga suliranin na maaaring magdulot ng pangmatagalang epekto sa kanilang katauhan.

Sa ganitong kaisipan, matutuklasan natin ang importansiya ng pagbibigay ng halaga hindi lang sa pisikal na kaanyuan lamang ng mga kabataan na siyang inaasahan nating susunod sa yapak ng mga taong kanilang iniidoloโ€™t tinitignan, sapagkat
๐™ฅ๐™–๐™–๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™œ๐™– ๐™—๐™– ๐™œ๐™–๐™œ๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ ๐™ค๐™ค๐™ง๐™™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™™๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™–๐™ข๐™™๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฃ?

290d63c6-c9ec-405f-9175-0928d1ad6ab0

Courtesy: Click Community

Sa pagsusuri ng ๐˜ž๐˜๐˜– (2024), sa buong mundo, isa sa bawat pitong 10-19 na taong gulang ay nakararanas ng mental na karamdaman, na kumakatawan sa 15% ng kabuuang pasanin ng sakit ng mga kabataan na nasa ganitong edad. Dagdag pa ng ahensiya, ang mga epekto ng hindi pagtugon sa kalusugan ng kaisipan ng mga kabataan ay umaabot hanggang sa pagdadalaga o pagbibinata, na siyang nagpapahina sa pisikal at mental na kalusugan at naglilimita sa mga pagkakataon upang mamuhay ng masaya at malaya.

Batay sa ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ง ๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด (2023), esensyal na mabigyan ng pagpapahalaga ang mga bata sa kanilang mental na kalagayan dahil nakatutulong ito sa kanilang paglaki. Simula pa lang sa unang stage ng kanilang buhay o pagiging sanggol, dapat maibigay ang ganitong pangangailangan dahil ito ang isa sa mga bumubuo ng kanilang karanasan.

Mula sa ๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜Š๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜‰๐˜ช๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ๐˜บ ๐˜๐˜ฏ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ (2021), sinasabi na dito sa ating bansa, ang mga batang Pilipino na may edad 5 hanggang 15, 10% hanggang 15% ang apektado ng ganitong suliranin. Ayon sa kanila, galing sa ulat ng ๐˜ž๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜๐˜ฆ๐˜ข๐˜ญ๐˜ต๐˜ฉ ๐˜–๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ป๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ (2018), 16.8% ng mga mag-aaral na Pilipino na may edad 13 hanggang 17 ay nagtangkang magpakamatay ng isang beses sa loob ng isang taon mula sa isinagawang 2015 Global School-Based Student Health Survey. Isa lamang ito sa maraming indikasyon na nagpapakita ng kalagayan ng kalusugan ng kaisipan ng mga batang ito. Ang mga estadistikang ito tungkol sa kalusugan ng kaisipan ng mga bata ay nakababahala dahil ang pagkabata ay isang mahalagang yugto. Dagdag pa dito, ipinapakita ng Philippine Development Plan para sa taong 2017-2023, na ang mga bata ay kabilang sa mga pinaka-madaling maapektuhan na grupo ng populasyon sa lipunan, kaya't sila ay isinama sa mga estratehiya para sa pagpapababa ng panganib at pagpapalakas ng kakayahan ng pagpapalakas sa lahat ng aspeto ng kanilang pagkataoโ€”mula sa pisikal, mental at emosyonal na aspeto.

0e0144cb-bffa-4897-9919-da9ccb2f9b74

Courtesy: Shutterstock

๐˜ผ๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™œ๐™– ๐™—๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™๐™ž๐™ก๐™™ ๐˜พ๐™–๐™ง๐™š?

Ayon sa ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ ๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด (2023), ang โ€œ๐™˜๐™๐™ž๐™ก๐™™ ๐™˜๐™–๐™ง๐™šโ€ ay tumutukoy sa mga pangangailangan na ibinibigay sa mga bataโ€”pangangalagang sumasaklaw sa pisikal, asal, sosyal, mental, at emosyonal na aspeto ng kanilang kalusugan. Kasama rito ang pagtutok sa pagtiyak na ang mga bata ay nakakaramdam ng kaligtasan, pagmamahal, at suporta, habang binibigyan din sila ng mga pagkakataon upang matuto, lumago, at mag-develop ng mahahalagang kasanayang emosyonal tulad ng self-regulation, empatiya, at resilience. Dagdag pa dito, ang epektibong pangangalaga sa bata na nakatuon sa pagpapalago ng emosyonal at mental na kalusugan nila ay makatutulong upang maunawaan at maipahayag nila ng epektibo ang kanilang damdamin. Dahil dito magkakaroon sila ng matatag na pagsasanay na magagamit nila sa kanilang kapaligiran kung saan maaari nilang mabuo ang mga magandang ugnayan sa kanilang kapwa.

0b9389a2-bf25-422a-aa90-531654174f7d

Courtesy: Inquirer.Net

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—˜๐—บ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป

Mula sa inilabas na artikulo ng ๐˜”๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ ๐˜๐˜ฆ๐˜ข๐˜ญ๐˜ต๐˜ฉ ๐˜™๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ฉ ๐˜Š๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ, ito ang mga salik na maaaring makaapekto sa mental at emosyonal na kalagayan ng mga bata;

1.๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ - Kung may kasaysayan ng kalusugan ng kaisipan sa pamilya, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng problema sa kalusugan ang isang bata. Ito ay dulot ng parehong mga salik na genetic at pangkapaligiran.

2.๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป - Ang mga batang nasa elementarya ay nakakaranas ng mga problema tulad ng gawain pang akademiko o pagsunod sa rutina ng paaralan. Maaring dulot din ng pambubuyo na nararanasan nila sa paaralan.

3.๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—˜๐˜…๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐˜‚๐—บ๐—ฎ - Ang mga batang nakaranas ng mga traumatic na pangyayari ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng problema sa kalusugan ng kaisipan. Ang mga traumatic na pangyayari ay maaaring kabilang ang pang-aabuso, pagpapabaya, pagiging saksi sa karahasan, pang-aabusong sekswal, o pagkawala ng isang mahal sa buhay.

4. ๐—Ÿ๐—ถ๐—ณ๐—ฒ ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜€ - Mga bagay tulad ng kahirapan sa buhay, pambubuyo, problemang pinansiyal at kakulangan sa atensyon ng mga magulang.

5. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜๐˜†๐—น๐—ฒ - Ang paraan ng pakikisalamuha ng mga magulang sa kanilang mga anak ay maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan sa kaisipan. Halimbawa, kung ang mga magulang ay labis na mapanuri o awtoritaryan, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng problema sa mental na aspeto ang kanilang mga anak.

7b9a8fcf-d4c0-46ca-a55d-6043c4054069

Courtesy: Vecteezy

Kaugnay nito, ang mga batas katulad ng Republic Act No. 11036 (Mental Health Act) ay nagbibigay ng mga gabay at polisiya upang itaguyod ang mental na kalusugan ng lahat ng mga Pilipino, kasama na ang mga bata. May mga programang nakalaan sa mga paaralan at komunidad upang mapabuti ang mental na kalusugan ng mga kabataan. Isa itong hakbang patungo sa pagpapabuti ng kalusugan ng kaisipan sa Pilipinas upang mabigyan ng tamang suporta ang mga indibidwal na may mental health conditions at mabigyan ng mas maraming oportunidad na makuha ang kinakailangang serbisyo at pag-aalaga.

Mayroon din ang pagpapairal ng batas na Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004),ย layunin ng batas na ito na protektahan ang mga bata mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso, tulad ng pisikal, sekswal, at emosyonal na pananakit. Kabilang din dito ang mga kaso ng mental at emosyonal na pang-aabuso na maaaring mangyari sa loob ng kanilang tahanan. Tinataguyod ng batas na ito na mabigyan ng karapatan ang mga bata at mga kababaihan para sa ligtas na espasyo at proteksyon na kanilang kinakailangan.

f19231cc-b2a6-4cd4-923e-a65d5123243b

Courtesy: Medium

Ang mga bata ang magiging pundasyon tungo sa maayos at maganda na komunidad. Ang pamilya na walang kabataan na nasa maayos na kalagayan ay hindi maituturing na tahanan, dahil ang isang tahanan ay marapat na pinupunan ang ganitong pangangailangan na hindi lamang sa pinansyal kundi ganun din sa emosyonal at mental na aspeto ng kanilang buhay.

Ani nga ni John F. Kennedy, "Children are the living messages we send to a time we will not see", ibinibigyang-diin nito ang kahalagahan ng paraan ng ating pagpapalaki at paggabay sa kanila ngayon, dahil dadalhin nila ang mga pagpapahalaga at aral na itinanim natin sa kanila patungo sa hinaharap. Kaya't nararapat na bigyan ng ganitong pangangalaga ang mga bataโ€”dahil ang paraan ng pagsuporta na tinatiyaga natin ang siyang tiyak na kanilang aanihin.

References:

Unicef Philippines (2023). UNICEF Guide to Caring for Babyโ€™s Mental Health. https://www.unicef.org/philippines/stories/mental-emotional-journey-ni-baby-ang-unang-limang-taon

World Health Organization (2024). Mental Health of Adolescents. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/adolescent-mental-health

National Center for Biotechnology Center (2021). Mental Health and Well-being in the Philippines Setting During Covid 19. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC8501475/

Mental Health Research Center (2025). What are the Factors Affecting the Mental Health of Children? https://psychiatristkolkata.org/blog/what-are-the-factors-affecting-the-mental-health-of-children/

Childhope Philippines (2023). Advocating for the Well-being of All Children Through Child Health Care. https://childhope.org.ph/importance-of-child-health-care/#:~:text=This%20refers%20to%20the%20medical,and%20developmental%20health%2C%20among%20others.