March 23, 2025

PAPEL NG PAGLALARO SA KABATAAN: DAAN SA PAGSULONG O HADLANG SA PAGKATUTO?

Written by: Edlyn Icao

photo_6267076026622396339_w

Isa lamang ang paglalaro sa mga bagay na ikinatutuwa ng mga bata. Nandiyan ang mga larong kalye katulad ng patintero, piko at tumbang preso. Sa pamamagitan nito, natututo silang makisalamuha at makipagkapwa-tao. Ngunit, paano kung ang mga magulang ang siyang humahadlang dito at umaabot sa puntong nakukulong sila sa apat na sulok ng kanilang tirahan dulot ng kahigpitanโ€“na hindi nila nararanasan ang saya ng larong kalyeng kanilang kinagigiliwan.

๐™‹๐™–๐™–๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ก๐™–๐™œ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™–๐™ง๐™ž ๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ข๐™ช๐™จ๐™ข๐™ช๐™จ๐™–๐™ฃ?

photo_6267076026622396276_x

Courtesy: Flickr

Ayon sa isang ulat mula sa BBC News (2024) ang oras na ginugugol ng mga bata sa labas ay bumaba ng 50% sa loob ng isang henerasyon. Ang mga pansamantalang resulta mula sa Raising the Nation Play Commissionย (2024) ay natuklasan na mas kaunti na nga ang oras na iginugugol ng mga bata sa labas dahil sa pagbabawas ng oras ng pahinga sa paaralan, pagsasara ng mga palaruan at mga alalahanin tungkol sa kaligtasan.

Base naman sa pamunuan ng Department of Education na inilabas mula sa Philstar (2013), isa ang paglalaro sa mga bagay na maaaring ipagbawal ng isang magulang. May mga magulang kasi na inaalisan ng karapatan ang mga bata na maglaro at sa halip ay pinupuwersa upang magtrabaho sa mga gawaing-bahay o kaya naman ay tumulong sa paghahanap-buhay. Ngunit ani nila, mahalaga ang paglalaro ng mga bata dahil nakatutulong ito para sa development ng kanilang pangangatawan. Dagdag pa ng ahensiya, ang mga batang nasa edad 10 pababa ay makukuha ang pagpapahusay ng kanilang pagkakaroon ng lakas ng loob, concentration, coordination at creativity.

Iginiit pa ni Education Assistant Sec. Tonistino Umali, sa kanyang pagtanggap ng mga donasyon ng Play Pilipinas, Johnson & Johnson at Ogilvy sa Barangay Montalban, Rizal, hindi dapat pinagbabawalan ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak sa paglalaro.

Screenshot 2025-03-23 201234

Courtesy: Pinterest

๐˜ผ๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™œ๐™– ๐™—๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™๐™ž๐™ก๐™™ ๐™‹๐™ก๐™–๐™ฎ?

Ang โ€œ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†โ€ ay tumutukoy sa mga aktibidad o laro na ginagawa ng mga bata bilang bahagi ng kanilang paglaki at pagkatuto. Karaniwan, ito ay mga laro na masaya at nagpapalakas ng kanilang mga kasanayan sa pag-iisip, pisikal na galaw, at pakikisalamuha sa ibang tao. Base sa ChildFund Alliance (2024), ang konsepto ng laro ay mahalaga sa pag-unlad ng mga bata sa iba't ibang aspeto. Hindi lamang sila nagbibigay ng kasiyahan, kundi may malaking epekto rin sa pisikal, kognitibo, at sosyal na kakayahan ng mga bata. Sa pamamagitan ng laro, natutuklasan ng mga bata ang kanilang kapaligiran at nade-develop ang kanilang mga kasanayang pisikal. Hinahasa nito ang kakayahan ng bata na mag-isip nang abstrakto at lutasin ang mga problema na may lohikal na kaparaanan.

Ayon sa Westcoast Child Care Resource Centre (2013), may mga yugto sa paglalaro ang mga bata. Nandito ang paglalaro nang mag-isa, katabi ng iba at kasama ang ibang mga bata. Ito ay naka depende sa edad, personalidad at kakayahan nila. Sa simpleng laro tulad ng tagu-taguan o hide-and-seek ay labis na itong makatutulong sa pag-develop ng concentration, problem solving, at creative thinking ng isang bata. Ipinaliwanag pa ng WCCRC (2013) na sa pamamagitan ng child play, nakatutulong ito upang tumanggap sila ng pagsubok at anumang pagbabago sa buhay. Ganoon din ang pagkatuto sa pagtuklas sa kanilang sarili, sa ibang tao at kanilang kapaligiran.

photo_6267076026622396278_x

Courtesy: Positive Youth Development Networkย 

Kaugnay nito, mayroong batas na ๐™๐™š๐™ฅ๐™ช๐™—๐™ก๐™ž๐™˜ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ ๐™‰๐™ค. ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฒ๐Ÿฒ๐Ÿญ, o kilala bilang "๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐˜พ๐™๐™ž๐™ก๐™™๐™ง๐™š๐™ฃโ€™๐™จ ๐™ˆ๐™ค๐™ฃ๐™ฉ๐™ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ" na naglalayong kilalanin at itaguyod ang mga karapatan ng mga bata, kabilang ang kanilang karapatang maglaro. Pinagtibay ang batas na ito noong 2015 upang ipagdiwang ang buwan ng Oktubre bilang "National Childrenโ€™s Month" at magbigay-pansin sa mga isyu ukol sa kapakanan at mga karapatan ng mga bata sa bansa. Ayon sa Situation of Children Philippineย (2015), ang batas na ito ay naglalayon ding isulong ang proteksyon ng mga bata sa pamamagitan ng iba't ibang mga aktibidad at programa. Hinihikayat nito ang mga ahensya ng gobyerno, mga NGO, at iba pang mga organisasyon na makilahok sa pagpapalaganap ng kamalayan at adbokasiya para sa mga karapatan at kapakanan ng mga bata.

photo_6267076026622396279_x

Courtesy: iStock

Ang paglalaro ng isang bata ay isa sa mga bagay na maganda at mabuting maiparanas ng isang magulang. Sa murang edad, ito ang isa sa nagiging dahilan ng kanilang kasiyahan ganoon din bilang pundasyon ng kanilang pagkatuto. Problema man sa ilang kabahayan at pamilya ang ganitong usapan, ang lahat ng bata ay may karapatan na maranasan ang saya sa lansangan o sa labas ng kanilang tahanan.

Ang esensyal na maisulong ay ang karapatan nilang mabigyan ng pagpapahalaga sa ganitong uri ng pag-unlad lalo paโ€™t makatutulong ito sa kanilang paglago bilang mga kinabukasan ng ating bayan. Tunay na ang kasiyahan ng musmos na bata ay nakadepende sa mga nakatatanda, ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™—๐™–โ€™๐™ฎ ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™ฉ ๐™ฅ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™– ๐™ค ๐™œ๐™–๐™œ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™ ๐™จ๐™ž๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™—๐™ž๐™ฎ๐™–๐™๐™š ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ?