April 6, 2025
Pwera Usog!: Kabataan Laban sa mga Matang Mapanghalay Online
Written by: Cilan Del Rosario

Sa mundong laganap ang pag-po-post sa social media, sumagi na ba sa iyong isipan kung gaano ka-vulnerable ang online identity ng iyong anak? Marahil ay nakatagpo ka na ng online post ng mga magulang na ipinapakita ang kanilang batang anak, proud at nais lamang ibahagi ang simpleng litrato o video nito. May iba pa ngang pagkakataon kung saan, kakasilang pa lamang ng bata ay mayroon na itong social media account. Mas malala, may mga batang sila mismo ang humahawak ng kanilang account. Maiintindihang maaari itong ginagamit lamang para sa dokumentasyon ng paglaki ng isang bata, komunikasyon, o iba pa, ngunit hanggang saan ba ang linya na hindi dapat tawirin pagdating sa kanilang online privacy?

Courtesy: Pixabay
Online Predators o Online Child Predators, ito ang tawag sa mga taong nagnanais ng online contact sa isang bata para sa abusive o exploitive purposes na madalas ay sexual. (INHOPE, 2021). Ayon sa UNICEF Philippines, 2 million ang kaso ng online sexual abuse and exploitation nito lamang 2021. Kung tutuusin, ang statistics na ito ay hindi pa sakto sapagkat halos 0-4 percent lamang ang mga nairerecord na kaso nito. Ang mga galawan ng online predators ay kalkulado, maaari itong magsimula sa pagkonsumo ng online content ng isang bata hanggang sa humantong na ito sa direktang pakikipagkomunikasyon upang makuha ang kanilang gusto. Kadalasan ay nag-o-offer sila ng pera o iba pang regalo, maaari ring ang kanilang method ay grooming kung saan kinukuha nila ang loob ng bata, at ang isa sa pinakamalala ay ang pag threaten sa bata upang makuha ang kanilang nais (ACCCE 2021).

Courtesy: DSWD-7
Nito lamang February 2025, nai-report ng Deep Web Konek, isang cyber security advocacy na naka-base sa Pilipinas, na mayroong mahigit 100 private online channel na dedicated sa pagbabahagi ng maseselang content. Isa sa mga channel na ito ay mayroong 100,000 miyembro kung saan pinagpapasapasahan ang mahigit na 40,000 digital files kung saan kabilang ang ilang video at pictures ng mga menor de edad. Karamihan sa transakyong nangyayari ay ginagamitan ng e-wallets tulad ng Gcash at dummy account (Bacelonia, 2025). Mahihinuha na walang pinapalampas ang mga online child predator. Mainit sa kanilang mata ang mga image at video na maaari nilang makamit ng walang bayad. Sa dami ng mga numerong ito, mapapagtanto mo nalang kung gaano kadelikado ang pag-po-post kahit ng simpleng imahe ng iyong anak na naka bathing suit. Dahil sa pagtaas o surge ng online sexual abuse o exploitation sa Pilipinas, nai-file ang Senate Resolution No. 1307 na naglalayong i-highlight at pagtuunang pansin ang biglaang pagtaas ng mga criminal networks na nagooperate gamit ang chat platforms at electronic wallets.
Paano nga ba natin mabibigyang proteksyon ang mga batang walang kamalay malay sa mga matang walang hatid kundi kapahamakan?

Courtesy: Save the Children
Sa ilalim ng Republic Act Number 11930, pinaparusahan ang child exploitation at ang anumang paggawa, distribusyon, pagmamay-ari, at access ng child sexual abuse or exploitation materials. Kabilang dito ang mga litrato at video na pinagpapasapasahan online ng mga child predator para kanilang pagnasahan. Bagamat mayroong batas na nagpoprotekta sa kabataan para sa ganitong sitwasyon, tandaan na mas magandang maiwasang mangyari ang child sexual abuse at exploitation kaysa humantong sa sitwasyong magsasampa na ng kaso. (prevention is better than cure gusto ko i-point out kaso di ko alam kung na execute ko ba ng matino TT)
Ilan sa mga hakbang na maaaring gawin ng nakatatanda para sa online safety ng isang bata ay ang mga sumusunod (Ben-Joseph, 2022):
• I-utilize ang parental controls na mayroon sa mga apps at sa gadgets mismo.
• I-monitor ang online activity ng bata kung hahayaang mayroon silang access dito.
• Iwasan ang pagbabahagi ng personal pictures. Limitahan lamang ito sa pamilya at malalapit na kakilala.
• Huwag ibahagi ang personal information.
• Huwag sasagutin ang mga comments, direct message, post, o text na nagpapahiwatig na ang tao sa likod nito ay isang child predator. Sa halip ay direktang i-block at i-report ito.

Courtesy: Getty Image
Paano makikilatis ang isang Online Child Predator? Narito ang ilan sa mga warning signs na dapat nating bigyang importansya (Henderson, 2025):
• Kakaibang interes sa mga aktibidad ng bata. Madalas makipag-associate sa mga bata.
• Overly affectionate sa bata at mas madalas makihalubilo sa kabataan kaysa sa mga taong kaedad nito.
• Mahilig mag-engage sa usapang ang paksa ay katawan ng bata.
• Nagpapakita ng pedophilic tendencies tulad ng pag gaslight, pagkontrol, pagseselos, at obsession sa isang bata.
Malayo pa ang tatahakin upang mapuksa lahat ng Online Child Predators ngunit malayo ang mararating kung magsisimula sa atin ang unang hakbang upang mawalan sila ng biktima. Kung sa simpleng maling tingin sa mga bata ay agad tayong kumokontra sa mga maaaring masamang kaakibat nito sa pamamagitan ng pagsabi ng 'Pwera Usog!', nawa ay maging kasing aktibo tayo sa pagkontra sa mga matang mahahalay na nais ay i-abuso at i-exploit ang ating kabataan.
References:
Arellano Law Foundation (2022). Philippine Laws and Jurisprudence Databank.
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2022/ra_11930_2022.html
Australian Centre to Counter Child Exploitation (2021). Definitions of Online Child Sexual Exploitation
https://www.accce.gov.au/sites/default/files/2021-06/Factsheet%20-%20Definitions%20of%20Online%20Child%20Sexual%20Exploitation.pdf
International Association of Internet Hotlines. What is Online Child Predator?https://www.inhope.org/EN/articles/what-is-online-child-predator
UNICEF Philippines
https://www.unicef.org/philippines/online-sexual-abuse-and-exploitation-children-philippines
Ben-Joseph (2022). Online Safety.
https://kidshealth.org/en/parents/net-safety.html#:~:text=Spend%20time%20online%20together%20to,gifts%20arriving%20in%20the%20mail
Henderson (2025). Crime Victim Law Firm.
https://www.crimevictimlawfirm.com/child-grooming-identifying-child-predator-warning-signs/
Bacelonia (2025). Hontiveros seeks probe into online child sexual abuse
https://www.pna.gov.ph/articles/124327