April 24, 2025

BRAIN ROT: EPEKTO NG LOW CONTENT NA KINOKONSUMO NG KABATAAN

Written by: Cilan Del Rosario

photo_6073425799605765450_w

Skibidi Toilet, Sigma, Rizz, Fanum Tax, Gyatt, Sus, at marami pang iba. Narinig mo na rin ba ang mga katagang ito? Minsan ay binababanggit ito ng mga Gen Z at madalas ay Gen Alpha na mas nagkokonsumo ng ganitong klase ng online content. Kadalasang matatagpuan sa Youtube, Tiktok, o Facebook. Kakaiba ang mga kahulugan at madalas ay wala sa hulog ang paggamit nito. Ilan lamang ang mga iyan sa halimbawa ng tinatawag na Brain Rot.

photo_6073577579455037459_x

Courtesy: Oxford

 Nito lamang 2024 ay natunghayang Oxford’s word of the year ang ‘Brain Rot’. Ayon sa Oxford, ang brain rot ay tumutukoy sa pag deteriorate ng isip ng isang tao dahil sa sobrang pagkonsumo ng low quality online content. Naging matunog ang salitang ito dahil sa lumalaking concern tungkol sa magiging epekto ng patuloy na pagkonsumo ng low quality online content. Naka-encounter ka na ba ng isang online video kung saan ang laman nito ay walang saysay? Isang animated na ulo na nasa loob ng inidoro. Mga kantang paulit ulit na ginagamit ang mga terms na kadalasang ginagamit ng mga chikiting. Mga overly stimulating videos na maaaring overload ang content o repetitive ang content. Dahil ang Pilipinas ang Social Media Capital ng mundo na may tumataginting na 73.4 porsiyento ng populasyon, dapat na ba nating ikabahala ang dumadaming kaso ng brain rot sa kabataan (Gonzales, 2024).
.

photo_6073577579455037460_x

Courtesy: YouTube

Ang ‘Brain Rot’, maari mang magtunog biro ay may kaakibat na seryosong epekto. Ilan sa halimbawa ang doom scrolling o binge-watching kung saan hindi natin namamalayan na wala na tayong limitasyon sa panonood ng online content, at multitasking kung saan hindi na natin magawa ang mga pangaraw araw na gawain nang hindi hawak ang cellphone. Simple man pakinggan ngunit maaari rin itong maging sanhi ng mga sumusunod (Yousef et al., 2025):

  • Cognitive overload o pagiging overwhelmed sa dami ng content na pumapasok sa isipan.
  • Emotional desentization o kawalan ng emosyon matapos paulit ulit na ma-expose sa isang stimulus.
  • Negative self-concept o mababang tingin sa sarili.
  • Mental fatigue o kapaguran ng isipan.
  • Diminished focus o kawalan ng abilidad na mag-focus.

Kung posibleng mangyari ang ganitong epekto sa atin, isipin mo nalang kung gaano kalaki ang epekto at kung gaano ito nakasisira sa pagiisip ng isang bata.

photo_6073577579455037461_x

Courtesy: Pinterest

Sa ganitong sitwasyon, paano natin mapoprotektahan ang kabataan sa mga brain rot content na one click away lang? Maari natin gawin ang mga nakasaad sa baba (Niwlikar, 2024):

  • Limitahan ang screentime o tanggalin ang oras ng bata online.
  • Bigyan ng alternatibo tulad ng paglalaro o paglilibang sa labas.
  • I-curate ang digital feed sa pamamagitan ng pag-block ng mga low quality contents.

Sa atin maaaring magsimula ang proteksyon at solusyon na kinakailangan ng ating kabataan. Talagang may mga sitwasyong hindi nating maiiwasan na ma-e-expose sila sa mga ganitong klase ng online content. Sa ngayon ay wala pang batas o anumang resolusyon na maaaring magbigay regulasyon sa ganitong content kaya’t tunay na nasa atin dapat magmula ang aksyon. Ang mahalaga sa lahat ay alam natin kung hanggang saan dapat ang limitasyon, kung hanggang saan dapat tayo magiging mapagbigay at kung kailan kailangang magbigay wakas sa mga bagay na hindi naman nakakatulong sa paglago o development ng kabataan.

References:

Yousef, A., Patel, R., Kim, H., & Zhang, L. (2025). Demystifying the new dilemma of brain rot in the digital era: A review. https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=brainrot&oq=#d=gs_qabs&t=1745266988070&u=%23p%3DpRiiNjAkgC8J

Niwlikar, A. (2024). What is brain rot? Psych Universe. https://psychuniverse.com/brain-rot/

Gonzales, A. (2024, December 5). Brain rot. The Philippine Star. https://www.philstar.com/opinion/2024/12/05/2405036/brain-rot

Oxford University Press. (2024). Oxford Word of the Year 2024. https://corp.oup.com/word-of-the-year/